Ang aking mga opinyon sa current issue sa Pilipinas ay tungkol sa kahirapan ng ating bansa. Walang tao gustong maging mahirap, dahil mahirap ang maging mahirap. Lalo na sa ating bansa, na mayroong 21.6% poverty rate at 22 milyong Pilipino ang namumuhay sa ilalim ng national poverty line. Karamihan sa mahihirap na Pilipino ay mayroong mababang lebel ng edukasyon. Ang ibang mahihirap naman ay umaasa sa agrikultura upang pagkuhanan ng o pagkakitaan ng kanilang pamumuhay. Sana mabigyan ng maraming magagandang trabaho ang mga mahihirap na Pilipino para sila ay makabangon sa kanilang pamumuhay.
Jermain Claridades
10-B
Filipino 10